^
Erap, âdi binigyan ng Ivermectin o Lianhua Qingwen ng mga doktor
Dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada.
STAR/File

Erap, ‘di binigyan ng Ivermectin o Lianhua Qingwen ng mga doktor

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi binigyan ng mga doktor ng Ivermectin o ng Chinese medicine na Lianhua Qingwen para gumaling sa COVID-19 si dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada.

Ito ang ginawang paglilinaw kahapon ng kanyang panganay na anak na si dating Senador Jinggoy Estrada.

Ayon kay Jinggoy, nagkaroon silang magkakapatid ng diskusyon kung dapat bang bigyan ang kanilang ama ng anti-parasitic drug na Ivermectin ngunit tumanggi ang mga doktor dahil ito anila ay gamot lamang para sa mga hayop.

“The doctor said, ‘I will not give ivermectin to your dad because that is only for animals,’” ani Jinggoy. “I really have to follow the doctor’s advice.”

Nilinaw rin ni Jinggoy na hindi binigyan ng Chinese drug na Lianhua Qingwen si Erap.

Ayon kay Jinggoy, sa halip na Ivermectin o Lianhua Qingwen, ang ibinigay ng mga doktor sa kanyang ama ay Leronlimab at Remdesivir.

Nabatid na ang Leronmilab ay isang investigational product na sumasailalim pa sa clinical trials para sa cancer, HIV at COVID-19, habang ang Remdesivir naman ay isang broad-spectrum antiviral medication.

Aminado naman ang dating senador na dahil sa rami ng gamot na ibinigay ng mga doktor ay hindi na niya batid kung alin sa mga ito ang nakapagpagaling talaga sa kanyang ama.  

Si Erap ay nagdiwang kahapon ng kanyang ika-84 taong kaarawan.

JOSEPH ‘ERAP’ ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with