^
Community Pantry lumalawak, Caloocan nagtayo na rin
Layon ng Community Pantry na matulu­ngan ang mga maliliit na residente at pamilya na walang mapagkukunan ng kanilang mga pangangailangan at pagkain sa araw-araw sa gitna ng pandemya.
Photo by Geela Garcia

Community Pantry lumalawak, Caloocan nagtayo na rin

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy ang paglawak ng community pantry sa Kalakhang Maynila matapos na simulan na rin ng mga residente ng Caloocan City ang pagtatayo nito sa ilang lugar sa lungsod.

Layon ng Community Pantry na  matulu­ngan ang mga maliliit na residente at pamilya na walang mapagkukunan ng kanilang mga  pangangailangan at pagkain sa araw-araw sa gitna ng  pandemya.

Sa tala ng lokal na pamahalaan, mayroon nang Community Pantry sa Morning Breeze Subdivision, Saranay Road, Bagumbong at Barangay 175. Nakibahagi rin ang Diocese ng Kalookan sa pagtatayo ng community pantry na nasa tapat ng Simbahan ng San Roque.

Matatandaang nagsimula ang konsepto ng Community Pantry sa Maginhawa sa Quezon City kung saan ilang residente ang nagtulung-tulong upang mabigyan ng pagkain ang iba nating kababayan.

Sa Community Pantry, maaaring kumuha ang sinuman nang sapat ayon sa kanilang pangangailangan at maaari ring magbigay ayon sa kanilang kakayanan.

Samantala, suportado naman ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan ang inisyatibo ng mga taga Caloocan na tulungan na mapagaan ang buhay ng apektado ng pandemya sa pamamagitan ng Community Pantry.

Ipinapakita aniya ng Community Pantry ang pagkakaisa ng mga residente sa kabila ng nararanasang krisis ng buong bansa, pati na rin ang disiplina sa pagkuha nang sapat upang makinabang ang marami.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with