^

Pumalag sa holdap, saleslady tinodas

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang saleslady matapos pagsasaksakin ng holdaper nang manlaban sa suspek, kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon ang biktimang si Maribeth Camilo-Goco, 47 ng No. 828 Gen. Luna St. Brgy. Baritan, Malabon City dahil sa tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Arestado naman ang suspek na si Leo Ifsor, 29, ng 0635 Magat Salamat St. Brgy. Daang Hari, Navotas city at kakasuhan ng  homicide.

Sa report nina PSSg Jeric Tindugan at PSSg Jose Romeo Germinall kay Malabon police chief Col. Joel Villanueva, dakong 1 ng hapon nang pumasok ang suspek sa Meliza’s Lingerie and Accessories Boutique sa Unit 2 No. 352 Gen. Luna St. Brgy. Baritan kung saan nagtatrabaho ang biktima bilang saleslady.

Kaagad nagdeklara ng holdap ang suspek na armado ng patalim subalit pumalag ang biktima na naging dahilan upang undayan ito ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ng holdaper bago mabilis na tumakas.

Gayunman, agad naman naaresto ang suspek ng mga tauhan ng Sub-Station 7 na sina PSSg Anecito Liamado Jr., PCpl. Zaldy Fabul at PCpl. Ryan Ulat na nagpapatrolya sa nasabing lugar.

Narekober sa suspek ang isang kitchen knife na ginamit sa pananaksak sa biktima at ang tinangay na P200.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with