^

Lider ng criminal gang, timbog

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki na itinuturong lider ng isang criminal gang sa ikinasang operasyon kahapon ng madaling araw sa Port Area, Maynila.

Kinilala ang inaresto na si Jonel Borja, alyas JJ Borja, 26, itinuturong lider ng Borja Criminal Gang at nakatira sa Block 1 Gasangan, Baseco Compound, Brgy. 649 Zone 68 Port Area, ng naturang lungsod.  Nakatala rin si Borja bilang Top 3 Most Wanted ng MPD.

Sa ulat ng MPD-Baseco Police Station 13, dakong alas-5:45 ng madaling araw nang lusubin nila ang bahay ni Borja makaraang makatanggap ng arrest warrant buhat sa Manila City Regional Trial Court Branch 52 para sa kasong Murder.

Hindi na nakapalag ang bagong gising na si Borja nang ipatupad ng mga pulis ang pagdakip sa kaniya habang napalilibutan ang kaniyang bahay.

Nabatid na bukod sa mga kasong pagpatay, hinihinalang sangkot din ang grupo ni Borja sa iba pang mga ilegal na aktibidad. 

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with