^
ER sa Metro Manila hospitals, punuan pa rin
Ayon kay Philippine College of Physicians (PCP) vice-president Dr. Maricar Limpin, inaasahan na mararamdaman pa lamang ang pagpapatupad ng ECQ at MECQ sa NCR Plus sa susunod na dalawa o tatlong linggo.
The STAR/Miguel de Guzman, file

ER sa Metro Manila hospitals, punuan pa rin

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Puno pa rin ang kapasidad ng mga emergency rooms (ER) ng mga pagamutan sa National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy pa ring pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Ayon kay Philippine College of Physicians (PCP) vice-president Dr. Maricar Limpin, inaasahan na mararamdaman pa lamang ang pagpapatupad ng ECQ at MECQ sa NCR Plus sa susunod na dalawa o tatlong linggo.

Habang hindi ito nangyayari, pipilitin umano ng mga healthcare workers (HCWs) na kayanin ang sobrang load ng mga bagong pasyente.

“Kinakaya na lang talaga namin, ang mga emergency department namin ay talagang punong-puno. Hindi lang punong-puno, it is about 200-percent capacity ang aming mga emergency department,” ayon kay Limpin.

Kasunod nito, nanawagan si Limpin sa nasyunal at lokal na mga pamahalaan na magpatupad ng “long-term programs” tulad ng pag-digitalization sa contact-tracing, testing sa lahat ng tao na nalantad sa mga pasyenteng may COVID at pagpapaunlad ng referral system ng COVID-19 cases.

Hindi na rin umano epektibo ang ginagawa ng mga lokal na pamahalaan na “filled-up forms” sa contact tracing kaya kailangan na digitalized na ito. Kung magkakaroon man, dapat isang digital application lang ang gamitin ng lahat ng sektor ng pamahalaan at magkakatugma ang mga QR codes sa lahat ng establisimiyento.

Bukod dito, nanawagan din si Limpin sa mga lokal na pamahalaan na ihatid ang ayuda sa mga benepisyaryo at hindi ang kabaligtaran na sila ang pinalalabas para makuha ang ayuda matapos ang mahabang oras sa pila kung saan nalantad na sila sa iba’t ibang tao.

NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with