^

Metro

PNP COVID-19 death toll, umakyat sa 51

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
PNP COVID-19 death toll, umakyat sa 51
Ito ang inihayag ng Philippine National Police Health Service kaya pumalo na sa 18,531 ang mga pulis na nagka-COVID-19.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 51 police personnel ang pumanaw dahil sa Co­vid-19 matapos dalawa pang pulis ang nadagdag sa listahan ng mga nasawi habang nasa 125 ang bilang ng mga bagong tinamaan ng  virus.

Ito ang inihayag ng Philippine National Police Health Service kaya pumalo na sa 18,531 ang  mga pulis na nagka-CoVid.

Isa sa mga nasawi ay isang Police Staff Sergeant ng Mountain Pro­vince Police Office at isang Police Executive Master Sergeant sa Sarangani Police Provincial Police Office.

Sa kabila nito, 16,204 na ang lahat ng mga gumaling sa sakit matapos makarekober ang 169 pang tauhan nito.

Kasalukuyan namang nagpapagaling ang 2,276 tauhan ng PNP.

Ang National Capital Region Police Office (NCRPO) pa rin ang may pinakamaraming Co­vid-19 cases na may 43, sumunod ang Region 4-A na may 13 at ikatlo ang Police Regional Office 1 na mayroong 11 kaso.

Dahil sa mataas pa rin ang kaso ng Covid-19 sa PNP, pinalakas nila ang kanilang testing, sa ngayon nasa 132, 814 o 98.6% police personnel na ang sumailalim na sa RT-PCR tests. 

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with