^
10 nameke ng IDs para sa ayuda, timbog!
Patuloy pang iniimbestigahan ng MPD ang mga suspek na hindi pa ibinunyag ang mga pangalan para sa follow-up operations upang matukoy ang lahat ng sangkot sa sindikato ng pag-claim ng ayuda ng iba’t ibang dating residente ng Baseco na lumipat na ng tirahan.
STAR/ File

10 nameke ng IDs para sa ayuda, timbog!

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto kahapon ng Manila Police District (MPD) ang nasa 10 katao dahil sa pamemeke ng identification cards (IDs) at iba pang dokumento sa pag-claim ng ayudang tig P4-libo na nakapangalan sa iba sa Baseco, Port Area, Maynila.

Patuloy pang iniimbestigahan ng MPD ang mga suspek na hindi pa ibinunyag ang mga pangalan para sa follow-up operations upang matukoy ang lahat ng sangkot sa sindikato ng pag-claim ng ayuda ng iba’t ibang dating residente ng Baseco na lumipat na ng tirahan.

Ayon kay P/Colonel Robert Domingo, ang mga suspek ay kumanta na modus operandi ng sindikato ang i-search sa social media na nakapost for transparency ang mga listahan ng beneficiaries, at ‘yung mga nakalista sa kanilang barangay na umalis na sa lugar ang pinuntiryang i-claim.

Sabi ni Rio Pangan, officer in charge ng Manila Department of Social Welfare sa Barangay 649, sa Baseco, may pumila sa kanilang pay-out site sa Benigno Aquino Elementary School na may dalang halos pare-parehong ID na kumakatawan sa Manila Royal House Council of Elders Inc.

Nang tanungin ang middle name ay hindi umano masagot at maging ang birthday, na nasundan pa ng ilan.

Nabuko na ang mga nakapilang bogus clai­mant at inaabangan ng kasabwat na sindikato sa labas ng eskwelahan. Kinukuha umano ang P3,000 at P1,000 lang ang napupunta sa umaktong claimant.

Nabatid na nasa 19,703 ang beneficiaries ng ayuda sa Baseco.

MPD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with