^
âHome serviceâ na COVID-19 vaccines inutos ni Isko
Inatasan ni Manila Mayor Isko Moreno si Barangay Bureau head Romy Bagay na ipakalat sa mga tserman ng barangay ang memorandum na nagsasabing hanapin at ilista ang lahat ng walang kakayahang makapunta sa vaccination sites para sa sisimulang home service vaccination sa darating na Biyernes.
Philippine News Agency

‘Home service’ na COVID-19 vaccines inutos ni Isko

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinahahanap ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga residente ng lungsod na ‘bedridden’ o hindi na makalakad para puntahan na lamang sa kanilang tahanan upang bakunahan laban sa COVID-19.

Inatasan ni Moreno si Barangay Bureau head Romy Bagay na ipakalat sa mga tserman ng barangay ang memorandum na nagsasabing hanapin at ilista ang lahat ng walang kakayahang makapunta sa vaccination sites para sa sisimulang home service vaccination sa darating na Biyernes.

Layunin nito na mabigyan ng proteksiyon laban sa COVID-19 ang lahat ng sektor, lalo na ang mga hindi na makalakad.

Nanawagan na rin si Moreno sa sinumang mga kasama sa bahay na magtungo sa kanilang barangay at ipatala ang kanilang  bedridden household members.

Kailangang nakalagay din sa listahan ang pangalan ng guardians o caregivers, complete address, contact number at  email address, kung mayroon.

Ipadadala naman ng barangay ang listahan sa manilahomevaccination@gmail.com sa loob ng 48 na oras matapos ang inihaing request, anumang edad.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with