^
Jinggoy: Erap, âdoing betterâ na
Sa inilabas na medical bulletin ni dating Senador Jinggoy Estrada nitong Sabado, bagamat kasalukuyan pa ring naka-confine sa ICU ang ama para sa monitoring, ay humuhusay na ang lagay nito sa ngayon.
STAR/File

Jinggoy: Erap, ‘doing better’ na

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni dating Senador Jinggoy Estrada na ‘doing better’ na ang kanyang amang si dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada matapos na maibalik sa intensive care unit (ICU) para sa non-COVID-19 patients dahil sa lung infection.

Sa inilabas na medical bulletin ni Jinggoy nitong Sabado, bagamat kasalukuyan pa ring naka-confine sa ICU ang ama para sa monitoring, ay humuhusay na ang lagay nito sa ngayon.

Aniya, binabawasan na ang medikasyon nito para sa blood pressure support at gumaganda na rin ang kidney function.

Naka-oxygen pa rin aniya ang dating pangulo ngunit patuloy itong alerto at oriented.

Kaugnay nito, muli rin namang humihingi ng patuloy na panalangin sa publiko si Jinggoy, gayundin ang kanyang kapatid na si dating Senador JV Ejercito, para sa ikagaga­ling ng kanyang ama at ng iba pang dinapuan ng COVID-19.

Kamakalawa nang ibalik si Erap sa ICU para sa non-COVID-19 patient dahil sa lung infection.

ICU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with