^
Reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba - OCTA
Ayon sa latest monitoring report ng OCTA, ang Pasay, Manila, Ma­rikina, Taguig, at Mandaluyong ay nakapagtala ng negative one-week case growth rates ng may dalawang linggo.
The STAR/Miguel de Guzman

Reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba - OCTA

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagkaroon nang pagbaba ng may 1.16 ang reproduction number ng bagong COVID-19 case sa limang lungsod sa Metro Manila batay sa ulat ng OCTA Research group.

Ayon sa latest monitoring report ng OCTA, ang  Pasay, Manila, Ma­rikina, Taguig, at Mandaluyong ay nakapagtala ng negative one-week case growth rates ng may dalawang linggo.

Ang Metro Manila  ay nakapagtala ng -0.4% one-week growth rate  na may average na  5,085 bagong kaso kada araw sa nagdaang linggo habang ang positivity rate ay bumaba sa 24% mula  25%.

Ang reproduction number sa NCR ay bu-maba sa  1.16  mula April 9 hanggang 15 mula sa 1.19 pero patuloy pa ring makakahawa ng higit sa isang tao ang isang may virus ng Covid-19.

“While the trend has slowed in the NCR, the region will continue to have a high number of new COVID-19 cases for the next weeks, which means demand for hospital care in the NCR will not ease very soon,” ayon sa OCTA.

Ayon sa grupo, nanatili naman ang  hospital bed occupancy sa Metro Manila ng  65% habang ang  intensive care unit (ICU) utilization  ay  85%.

“People must continue to strictly comply with prevailing health guidelines in order to help prevent the spread of the virus in the region,” ayon sa OCTA.

Ayon sa  OCTA  ang  one-week growth rate ng bagong kaso ng COVID- 19 sa  Calabarzon at Bulacan  ay 14% habang ang  one-week growth rate sa Western Visayas  ay pumalo sa matas na  97%. Sa Cagayan Valley ang one-week growth rate ay umabot sa -14%.

Ang Metro Manila at karatig lalawigan na Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna ay nananatiling nasa ilalim ng modeified enhanced community quaratine hanggang April 30.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with