^

Metro

LRT-2 pinaikli ang operasyon sa loob ng 2-linggo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
LRT-2 pinaikli ang operasyon sa loob ng 2-linggo
Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), nabatid na ang pinaikling operasyon ng LRT-2 ay magsisimula bukas, Abril 17, at magtatagal hanggang Abril 30.
The STAR/Miguel de Guzman

Dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa kanilang personnel

MANILA, Philippines — Pinaikli ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang operas­yon ng kanilang mga tren sa loob ng dalawang linggo, kasunod na rin nang patuloy na pagdami ng naitatalang COVID-19 cases sa hanay ng kanilang mga frontline personnel.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), nabatid na ang pinaikling operasyon ng LRT-2 ay magsisimula bukas, Abril 17, at magtatagal hanggang Abril 30.

Layunin anila nitong matiyak ang kaligtasan at proteksyon ng kanilang mga commuters at mga personnel ngayong panahong ito ng pandemya.

Sa mga naturang araw, bibiyahe lamang ang mga tren ng LRT-2 mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas- 6:00 ng gabi.

Nabatid na ang orihinal na first trip ng LRT-2 ay alas- 5:00 ng umaga habang ang huling biyahe nito ay umaalis ng alas-8:30 ng gabi  sa Santolan, habang alas- 9:00 ng gabi  naman mula sa Recto Station.

Inaasahan namang magbabalik ang regular opera­ting hours ng LRT-2 sa Mayo 1, 2021.

Matatandaang kamakailan ay ipinag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagsasagawa ng COVID-19 mass tes­ting sa mga rail workers ng LRT-2, gayundin ng LRT-1, Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Philippine National Railways (PNR) upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito at ng kanilang commuters.

Sa pinakahuling tala ng DOTr, hanggang alas-5:00 ng hapon noong Abril 12 ay umaabot na sa 786 na rail workers ng apat na rail lines sa Metro Manila ang nagpositibo sa COVID-19.

Nabatid na sa kabuuang 1,944 na personnel ng LRT-2, nasa 1,870 na ang naisailalim sa pagsusuri at 251 sa kanila ang kumpirmadong dinapuan ng sakit.

Ang LRT-2 ang siyang nagdudugtong sa Claro M. Recto sa Maynila at sa Santolan, Pasig City.

vuukle comment

LRT-2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with