^

Metro

Higit 100K nabakunahan na sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Higit 100K nabakunahan na sa Quezon City
Ayon kay Mayor Joy Belmonte at chair ng Task Force on Vax to Normal, na kabuuang 106,395 residente, healthcare workers at iba pang priority sectors ang naturukan COVID vaccine ng Sinovac at AstraZeneca.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Umabot na sa 100,000 indibiduwal sa Quezon City ang nabakunahan na laban sa COVID-19.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte at chair ng Task Force on Vax to Normal,  na kabuuang 106,395 residente, healthcare workers at iba pang priority sectors ang naturukan COVID vaccine ng Sinovac at AstraZeneca.

“Labis kaming nasisiyahan dahil sa higit 100K ng indibiduwal ang nabakunahan sa lungsod, na bagama’t maliit pa lang itong porsiyento sa ating populasyon, malaking achievement na ito sa isang taon na pakikipaglaban  sa COVID”, dagdag pa ni Belmonte.

Sa nasabing bilang 17,257 (16.22%) ay mga medical at non-medical healthcare wor­kers sa lugsod ; 26,233 (24.65%) ay buhat sa Level 3 hospitals; 62,905 (59.12%) ay ang mga naturukan sa ibat-ibang vaccination sites; at 3,400 (3.19%) ay ang mga naturukan sa private-public partnership vaccination site sa SM City North Edsa Skydome, gayundin ang mga tauhan ng Quezon City Police District at Bureau of Jail Management and Penology.

Ang QC sa  kasalukuyan ay may  14 na vaccination sites at planong dagdagan pa ng lokal na pamahalaan para mapalawak pa ang  vaccination program.

Sinabi ni Mayor Belmonte  na nakikipag- usap na rin ang lokal na pamahalaan sa mga  private companies, civic organizations, at iba pang grupo tulad sa  transport groups at homeowners associations para sa pagpapalawak pa ng pagbabakuna sa lungsod.

Ipinaliwanag naman ni  QC Task Force Vax to Normal Co-chair Joseph Juico  na  ang mga pribadong sektor ang magkakaloob ng venue at medical personnel para sa pagbabakuna  sa mga establisimiento o piling lugar para rito, habang ang pamahalaang lungsod ang magdedeliber ng bakuna para sa kanila at siya ring magmomonitor at magsu-supervise sa proseso.

Sinabi rin ni Mayor Belmonte na may dagdag na kama ang ilalagay sa mga city-run hospitals, ang Quezon City General Hospital, Rosario Maclang Bautista General Hospital, at sa  Novaliches Government Hospital para ma-accommodate  ang mga moderate at  severe cases.

Inihahanda na rin ang dagdag na 1000 isolation at quarantine beds para sa mga  mild at asymptomatic patients. Ang  HOPE Community-caring facilities ng QC ay lalagyan ng  x-ray machines  para maibsan ang pagsisikip sa mga pagamutan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with