^

Metro

Higit 130K pamilya nabigyan na ng ayuda sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot na sa 130,074 pamilya sa lungsod ng Maynila ang nakatanggap ng kanilang ayuda  buhat sa pamahalaang nasyunal habang higit sa 400,000 pamilya na rin ang nabigyan ng food packs na buhat naman sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

Sa ulat ni Manila City Mayor Isko Moreno kahapon, nasa ikatlong wave na sila ng pamamahagi ng food packs sa ilalim ng Food Security Program ng lokal na pamahalaan kung saan 551 barangays na ang kanilang nasuyod sa loob ng pitong araw.

Sa pamamahagi naman ng SAP (Special Amelioration Package) ng Bayanihan 1 at 2, nasa 862 sa 896 barangays na ang nakumpletong ipamigay ito.

Siyam na barangay buhat sa District 3, lima sa District 4, at 20 sa District 5 at Baseco ang nalalabi na hindi pa naipamimigay ang ayuda.

Sa pagpapatuloy ng ‘vaccination program’, iniulat ng alkalde na nasa 72,134 indibiduwal mula sa A1, A2 at A3 prio­rity groups na ang nabakunahan nitong Abril 14 sa Maynila.

Kahapon, itinuloy ang pagbabakuna ng ikalawang dose sa mga A1.1 hanggang A1.7 priority groups sa Palacio de Manila sa Roxas Blvd.  Bibigyan ng ikalawang dose ang mga kabilang sa naturang priority groups na tumangggap ng ­unang dose nitong Marso 2 hanggang Marso 18.

vuukle comment

SAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with