^
3 Koreanong lider ng sindikato, timbog
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga nadakip na sina Jung Myunghun, 38, pinakalider ng sindikato; at sina Kang Wesung, 36 at Yu Daewoong, 38, mga pinuno rin ng grupo.
STAR/ File

3 Koreanong lider ng sindikato, timbog

Doris Franche, Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong Korean national na mga lider umano ng sindikato na sangkot sa online scam at nakapambiktima ng libu-libo nilang kababayan ang nadakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) at pulisya sa isang operasyon sa Parañaque City at Nueva Ecija kamakalawa.

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga nadakip na sina Jung Myunghun, 38, pinakalider ng sindikato; at sina Kang Wesung, 36 at Yu Daewoong, 38, mga pinuno rin ng grupo.

Nadakip ang tatlo sa magkahiwalay na operasyon nitong Martes sa Parañaque City at Pantabangan, Nueva Edija ng mga tauhan ng BI-Fugitive Search Unit at Criminal Investigation and Detection Group Major Crimes Investigation Unit (CIDG-MCIU).

Matagal na umanong pinag­hahanap ang tatlong suspect ng mga Korean authorities at ng Interpol.  Nakatanggap sila ng impormasyon na sa Pilipinas nagtatago ang tatlo kaya humingi ng tulong sa BI.

Sa kanilang rekord, Hulyo 2014 nang umpisahan ng grupo ang kanilang online scam sa pag-aupload at pag-aadvertise ng mga items sa second-hand markets at niloloko ang mga buyer dahil sa wala naman talagang ibinibentang items.

Umabot umano sa 2,600 kaso ang kinakaharap ng mga suspek at umabot na sa 10 bilyong won o US$9 milyon ang natangay ng mga suspek sa kanilang mga biktima.

“They will be deported to face the cases against them in Korea, and their names shall likewise remain in our blacklist, which effectively bans their re-entry in the country,” ayon kay Morente.

Nakaditine ang tatlo nga­yon sa CIDG Headquarters sa Camp Crame habang hinihintay ang resulta ng kanilang COVID-19 swab tests.

BI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with