^

P30 milyong ng COVID-19 diagnostic tools at test kits nasabat, 9 katao arestado

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot sa P30 milyong halaga ng  diagnostic tools at test kits ang  nakumpiska ng Philippine National Police (PNP), kung saan siyam katao na sangkot sa  ilegal na bentahan nito ang naaresto sa isinagawang entrapment operations kamakalawa sa Quezon City.

Batay sa repot ng PNP- Criminal Investigation and Detection Group nakilala ang mga suspect na Marize Santiago, 28; Joshua Raphael Bautista Ramirez, 21; Zeus Catamora Jimena, 27; John Vincent Almante Sumalabe, 23; Rio Joyce Mingay Pe­rando, 20; Hermogenes Rivero Villordon, 28; Jomari Pareja Estrada, 21; John Marthy De Jesus Parentela, 22 atJohn Paolo Solibaga San Pedro, 28

Nabatid na nag-ugat ang operasyon base sa report na may nagaganap na ilegal  na bentahan ng mga test kits at diagnostic test na kinabibilangan ng Joinstar, Clungene rapid test kit, Innovita antibody test, Sanli disposable virus specimen, at Wondfo rapid test kit sa naturang sinalakay na lugar. Nagawa pa umano ng mga suspect na i-online selling ang mga diagnostic tools at test kits.

Matapos na makumpirma sa Food and Drug Admi­nistration (FDA),  na walang  awtorisasyon ang bentahan ng test kit, agad na isinagawa ang  entrapment operatons sa  Brgy.  South Triangle,  Quezon City.

Agad na dinakma ang  mga suspek nang  tanggapin ang kabayarang P204,000 para sa 30 kahon ng Clungene rapid test kit.

Ayon sa pulisya, bigo ang mga suspect na magpakita ng license to operate o special permit sa pagbebenta ng test kits sa ilalim ng FDA Circular No. 2020-016.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with