^

Metro

Operasyon ng LRT-1, suspendido ng 2 weekend ngayong Abril

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Operasyon ng LRT-1, suspendido ng 2 weekend ngayong Abril
Batay sa paabiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, wala munang operasyon ang LRT-1 sa Abril 17 at 18, gayundin sa Abril 24 at 25, 2021.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Suspendido ng dalawang magkasunod na weekends ngayong Abril ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) na siyang nagdudugtong sa Roosevelt, Quezon City at Baclaran sa Parañaque City.

Batay sa paabiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, wala munang operasyon ang LRT-1 sa Abril 17 at 18, gayundin sa Abril 24 at 25, 2021.

Layunin anila nitong bigyang-daan ang maintenance at rehabilitation activities o pagsasaayos sa kanilang linya at mga tren at istasyon; at pagpapalit ng overheard catenary wires upang mapabuti pa ang serbisyong ipinagkakaloob nila sa kanilang mga pasahero.

Ayon sa LRMC, ang pagsasaayos ay naumpisahan na noong Semana Santa ngunit minabuti nilang ituloy na rin ngayong Abril.

Bukod dito, paghahanda na rin anila ito para sa inaasahang commercial use ng bagong Generation-4 trainsets sa huling bahagi ng taong 2021.

“The works to be carried out during this period would cover the maintenance of trains, stations, and various systems including the scheduled replacement of overhead catenary wires,” anito.

“The additional days will also accelerate the preparations needed for the commercial use of the new Generation-4 train sets in fourth quarter 2021,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ng LRMC na tiniyak na sa kanila ng Department of Transportation (DOTr) na magde-deploy ito ng mga public utility buses (PUBs) sa Route 17 o Monumento hanggang EDSA via Rizal Avenue/Taft Avenue upang magsakay ng mga pasaherong maaapektuhan ng pansamantalang weekend shutdown.

Samantala, walang magaganap na pagbabago sa service schedule ng LRT-1 sa weekdays o Lunes hanggang Biyernes, na 4:30AM hanggang 9:15PM, northbound train; at 4:30AM hanggang 9:30PM para sa southbound train.

Patuloy din ang paalala nito sa mga commuters na tumalima sa health protocols kontra COVID-19.

vuukle comment

LRT-1

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with