^

Metro

Mga guro, prinsipal sa Maynila, nabakunahan na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naturukan na ng CO­VID-19 vaccine ang mga guro at mga prinsipal ng mga es­kwelahan sa lungsod, maging retirado o aktibo, ayon kay Manila Mayor Isko Moreno.

Mismong si Manila Vice Mayor Honey Lacuna ang nanguna sa pagbabakuna sa mga guro at prinsipal na kabilang sa A2 at A3 (senior citizen with comorbidities) Priority lists na idinaos sa Palacio de Manila sa Roxas Boulevard, Ermita, Maynila.

Samantala, personal na tinanggap ni Moreno, kasama si Lacuna at Manila Health Department head, Dr. Arnold Pangan,  ang pagda­ting ng 10 brand-new at fully-equipped na ambulansiya na ibibigay sa anim na city run hospitals kasabay ng pasalamat kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III

Ayon kay Moreno, magiging malaking tulong ang naturang mga ambulansiya hindi lamang para sa mga COVID-19 patients, kundi maging sa iba pang mga pasyenteng mayroong life-threatening illnesses.

Kaugnay nito, umapela si Moreno sa mga magmamaneho ng mga naturang ambulansiya na ingatan ang mga ito dahil mahalaga aniya ang mga ito sa pagsasalba ng buhay ng mga mamamayan.

Samantala, hinggil naman sa kasalukuyang payout ng social amelioration program (SAP) funds mula sa national government, pinuri ni Moreno ang Manila department of social welfare na pinamumunuan ng director nito na si Re Fugoso, gayundin ang mga social workers, dahil sa pagtatrabaho ng mga ito kahit na weekends upang matiyak lamang na maipamamahagi ng maayos sa mga kaukulang benepisyaryo ang naturang ayuda.

Hanggang kamakalawa ng gabi ay nasa 100,102 pamilya na ang nakatanggap ng kanilang cash aid sa lungsod.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with