^

Waitress patay sa saksak ng mister

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang 55-anyos na waitress nang saksakin ng kanyang mister matapos tumangging magbigay ng perang panghulog sa inutang na motorsiklo, sa Intramuros, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Marcelina Cennecero, ng Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Hawak na ng Manila Police District (MPD) ang suspek na mister na si Rogelio Cennecero , 55.

Naganap ang insidente dakong alas-7:50 kahapon sa Magallanes Drive, Brgy. 655, Intramuros.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Master Sgt. Jorlan Taluban, ng MPD-Homicide Section, nakita ng ilang saksi ang pagtatalo ng biktima at suspek hanggang sa makitang sinaksak na ng lalaki ang babae ng ilang beses.

Nang papatakas na ang suspek ay isinumbong ang insidente sa roving guard sa Intramuros Administration na si Jerry Usinan, na humabol at umaresto sa suspek.

Naisugod pa  sa Mother and Child Hospital ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival dakong  alas-8:05 ng umaga dahil sa tatlong tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Taluban, pinag-aawayan ng mag-asawa ang hindi umano pagbibigay ng biktima ng panghulog sa loan ng kaniyang motorsiklo.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with