^

Metro

Mga taga-Metro Manila pekeng pangalan, address ang nilalagay sa COVID-19 test

Pilipino Star Ngayon
Mga taga-Metro Manila pekeng pangalan, address ang nilalagay sa COVID-19 test
Ani Metro Manila Development Autho­rity (MMDA) Chairman Benhur Abalos, paiigtingin ang COVID-19 testing sa Metro Manila gamit ang antigen test kits.
STAR/File

MANILA, Philippines — Umapela si Metro Manila Development Autho­rity (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa mga residente ng National Capital Region (NCR) na huwag magsinungaling at gamitin ang tunay na pangalan at address kung sasailalim sa COVID-19 tests.

Ani Abalos, paiigtingin ang COVID-19 testing sa Metro Manila gamit ang antigen test kits.

“Kung minsan po ang nangyayari pekeng pangalan ang binibigay at address. Kung peke naman ang binibigay niya, ‘di mo mahahanap ang taong ito. ‘Di naman po siguro ganun karami ang gumagawa,” aniya.

Payo niya, kung nagsisinungaling at magpositibo, hindi agad mapapayuhan, hindi kaagad magagamot at mai-isolate kung hindi mahahanap.

Ayon sa OCTA group, bumagal ang COVID-19 reproduction rate ng NCR sa 1.23 mula Abril 3-9 mula sa dating 1.88 o isang linggo bago ipatupad ang ECQ.

Bunsod nito kaya ­inirekomenda ng nasabing grupo na palawigin ang istriktong lockdown sa NCR Plus upang lalo pang bumagal ang pagdami ng naiimpeksiyon.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with