^
ECQ epektibo, palawigin pa ng 1-linggo
Ito ay dahil sa nakikitang naging epektibo ang pagpapairal ng ECQ sa NCR kung saan bumaba na ang reproduction number ng COVID-19 sa rehiyon.
AFP/Ted Aljibe

ECQ epektibo, palawigin pa ng 1-linggo

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

Hirit ng OCTA

MANILA, Philippines — Ibinunyag kahapon ni ­Manila Mayor Isko Moreno na may 34 barangay sa lungsod ang hindi nagsumite ng listahan sa Manila Department of Social Welfare (MDSW) na dapat mabigyan ng ayuda o special amelioration ­program (SAP) mula sa national ­go­vernment.Humihirit pa ng isang linggong extension ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus ang OCTA Research Group.

Ito ay dahil sa nakikitang naging epektibo ang pagpapairal ng ECQ sa NCR kung saan  bumaba na ang reproduction number ng COVID-19 sa rehiyon.

Ayon sa grupo, bumaba ang reproduction number ng COVID-19, o ang bilang ng mga taong nahahawaan ng sakit ng isang COVID-19 patient, sa 1.23 nitong nakaraang linggo mula sa da­ting 1.88, isang linggo bago ang muling pagpapairal sa ECQ sa NCR Plus Areas.Sa kanilang April 10 report, sinabi ng OCTA na ang growth rate para sa nakalipas na linggo ay nasa-9% habang ang positivity rate ay nasa 25% naman.

Malaki anila ang pag-asa na ang NCR ay makikitaan na ng downward trend sa susunod na linggo.

Sinabi rin nito na ang fin­dings ay maaaring isailalim sa corrections.

Kaugnay nito, muli ring nanawagan ang OCTA na palawigin pa ang pagpapairal ng ECQ ng isang linggo.

Naniniwala ang grupo na kung bubuksan kaagad ang NCR Plus areas ay malaki ang panganib na magkaroon muli ng panibagong surge ng COVID-19.

Gayunman, kung talaga anilang hindi na kakayanin pa ang 1-week extension pa ng ECQ dahil sa “socio-economic” reasons, ay maaari namang two-week modified ECQ na lang ang ipatupad sa NCR Plus bubble para mapabagal pa ang transmission ng COVID-19.

Samantala, naobserbahan din naman ng researchers ang negative one-week growth rates sa Pasay, Marikina, Mandaluyong, Taguig, Manila, Makati, Las Piñas, Valenzuela, at ­Quezon City.

Ang growth rates sa mga local government units (LGUS) ay “encoura­ging” ngunit masyado pang maaga upang masabi kung mayroon nang downward trend sa COVID-19 cases sa mga naturang mga lugar.

Sinabi pa ng OCTA na ang napaulat na mataas na bilang ng fresh COVID-19 cases sa NCR bubble at reproduction number na ‘above 1’ ay nangangahulugan na mananatili pa rin ang high utilization sa mga pagamutan sa NCR bubble.

SAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with