^
34 barangay âdi nagsumite ng listahan nang bibigyan ng ayuda
Ani Manila Mayor Isko Moreno, ang MDSW sa pamumuno ni Re Fugoso ay nag-oovertime para lang maipamahagi ang SAP sa mas maraming recipients sa mabilis na oras.
Philstar.com/Irish Lising

34 barangay ‘di nagsumite ng listahan nang bibigyan ng ayuda

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

Kinalampag ni Yorme

MANILA, Philippines — Ibinunyag kahapon ni ­Manila Mayor Isko Moreno na may 34 barangay sa lungsod ang hindi nagsumite ng listahan sa Manila Department of Social Welfare (MDSW) na dapat mabigyan ng ayuda o special amelioration ­program (SAP) mula sa national ­go­vernment.

Ikinalungkot ito ng alkalde sa pagsasabing may mga barangay chairman na mistulang walang malasakit sa nasasakupan, habang ang karamihan naman ay pinasalamatan sa pagtugon sa kinakailangang listahan para agad na maiproseso ang pondong ipapamahagi.

Ani Moreno, ang  MDSW sa pamumuno ni Re Fugoso ay nag-oovertime para lang maipamahagi ang  SAP sa mas maraming recipients sa mabilis na oras.

Sa Maynila, sinabi ni Fugoso na may 380,000 pamilya ang makakatanggap ng P4,000 SAP bawat isa, base sa listahan na ibinigay ng mga barangay chairman alinsunod sa utos ng alkalde. Ang listahan ng mga nakatanggap na ng SAP ay naka-post sa social media ng alkalde para magkaroon ng transparency.

Pinili ni Moreno na cash ang ipamigay sa mga residente ng Maynila sa halip na in kind dahil nagbibigay na ang lungsod ng  monthly food assistance sa ilalim ng food assistance program. Ang mga food boxes na ipinamimigay ay naglalaman ng rice, canned goods at kape ay buwanang hinahatid sa bawat pamilya sa Maynila.

“May mga barangay na zero sa SAP dahil never tinulungan ng ka-barangay na ilista sila sa DSWD.  Lahat tayo me pananagutan sa tao”, pagdidiin ni Moreno.

Ipinaliwanag ni Fugoso na ang listahang ginagamit sa distribusyon ng SAP ay binubuo ng listahan ng first tranche at second tranche,  waitlisted na inaprubahan ng DSWD at ang 4Ps na mula rin sa DSWD.

Sa mga barangay na hindi nagbigay ng kahit na anong listahan ng recipients para sa SAP,  ang 20 barangay ay nagmula sa ika-5 distrito at Baseco, siyam ang mula sa ika-3 distrito at lima sa ika-4 na distrito. Mayroong  896 na barangay sa  Maynila.

SAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with