^
DILG, pabor na mapalawig pa ang ECQ ng 1-linggo
Ayon kay Officer-in-Charge at Undersecretary Bernardo Florece Jr., posibleng hindi pa sapat ang dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) para matuldukan ang COVID-19 surge.
The STAR/Michael Varcas

DILG, pabor na mapalawig pa ang ECQ ng 1-linggo

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pabor din ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na mapalawig pa ng isang linggo ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus areas upang matuldukan ang pagkalat ng COVID-19 doon.

Ayon kay Officer-in-Charge at Undersecretary Bernardo Florece Jr., posibleng hindi pa sapat ang dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) para matuldukan ang COVID-19 surge.

Gayunman, ang Inter-Agency Task Force (IATF) on COVID-19 response aniya ang magdedesisyon hinggil dito.

Aniya, magpupulong ang IATF nitong Sabado upang talakayin ang magiging sunod na lockdown status sa NCR Plus areas.

Matatandaang ang ECQ sa NCR Plus areas ay sinimulang ipatupad noong Marso 29 at nakatakdang magtapos ngayong araw, Abril 11.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with