^
Pagpapalawig sa pagbibigay ng ayuda, ikokonsidera ng DILG
Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, nauunawaan ng DILG na may ilang LGUs ang nahihirapang makaabot sa 15-day deadline sa cash assistance distribution dahil na rin sa laki ng kanilang populasyon.
Miguel De Guzman, file

Pagpapalawig sa pagbibigay ng ayuda, ikokonsidera ng DILG

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bukas ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na palawigin ang 15-day deadline na ibinigay nila sa mga local government units (LGUs) upang matapos ang distribusyon ng ayuda para sa mga residenteng apektado ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus areas.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, nauunawaan ng DILG na may ilang LGUs ang nahihirapang makaabot sa 15-day deadline sa cash assistance distribution dahil na rin sa laki ng kanilang populasyon.

Sinabi naman ni Malaya na maaaring maghain ng request for extension ang isang LGU sa DILG at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngunit depende aniya sa rason ng mga ito kung papayagan sila o hindi.

Matatandaang naglaan ang pamahalaan ng P22.9 bilyong pondo para sa mga residente ng National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal, na apektado ng ECQ na ipinairal mula Marso 19 hanggang Abril 11.

Ang bawat kuwalipikadong indibiduwal ay inaasahang makakatanggap ng P1,000 o maximum naman na P4,000 kada pamilya.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with