^

Metro

2 ‘tulak’ timbog sa buy-bust sa Caloocan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
2 �tulak� timbog sa  buy-bust sa Caloocan
Dakong alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangu­nguna ni P/Lt.Col Macario Loteyro at P/Major Jerry Garces sa tabi ng isang convenience store sa 4th Avenue, Brgy. 51 kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makapagtransaksyon ng halagang P2,500 sa mga suspek na sina John Calvin Cruz, alyas “JC” , 25 at Ronald Louis Silverio, 35.
STAR/File

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang ‘tulak’ sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dakong alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangu­nguna ni P/Lt.Col Macario Loteyro at P/Major Jerry Garces sa tabi ng isang convenience store sa 4th Avenue, Brgy. 51 kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makapagtransaksyon ng halagang  P2,500 sa mga suspek na sina  John Calvin Cruz, alyas “JC” , 25 at Ronald Louis Silverio, 35.

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng droga ay agad lumapit ang back- up na mga operatiba saka sinunggaban ang dalawa.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, P200 drug money at buy-bust mo­ney.

Sasampahan ng  kasong paglabag sa RA 9165 sa Caloocan City Prosecutors Office sina Cruz at Silverio.

 

 

 

 

vuukle comment

BUY-BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with