^
Mas marami pang ruta ng jeepney at bus, bubuksan sa Metro Manila
Layunin nitong mabawasan ang paglipana ng mga colorum vehicles na nagbibiyahe at nagpupuslit ng mga tao sa loob ng Metro Manila, kahit pa mayroong quarantine restrictions dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19.
The STAR/Miguel de Guzman

Mas marami pang ruta ng jeepney at bus, bubuksan sa Metro Manila

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) ang plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbukas pa ng mas maraming ruta ng traditional jeepneys at provincial buses sa Metro Manila.

Layunin nitong mabawasan ang paglipana ng mga colorum vehicles na nagbibiyahe at nagpupuslit ng mga tao sa loob ng Metro Manila, kahit pa mayroong quarantine restrictions dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19.

Sinabi ni LTFRB National Capital Region (NCR) Regional Director Zona Tamayo na plano nilang magbukas pa ng ka­ragdagang 60 ruta para sa traditional public utility jeepneys at karagdagan pang 190 ruta para sa provincial buses na pumapasok sa Metro Manila.

Kung maisasakatuparan ito, magkakaroon ng karagdagan pang 4,400 public transportation units na bibiyahe sa rehiyon, na binubuo ng 1,800 PUJs at 2,600 buses.

“Doon sa mga bus na papasok ng Metro Manila, ito ay subject sa, kung papayagan sila ng concerned LGUs (local government units) dahil sa ngayon ay nasa LGU po ‘yun kung papasukin o ire-resume na po ang provincial buses,” paliwanag ni Tamayo, sa isang pulong balitaan.

“Kahit naka-ECQ ang NCR Plus hindi na suspend ang public transportation. Itong pagbubukas  ng routes tuloy po ito provided na papayagan ng concerned LGU,” dagdag pa ni Tamayo.

Sa panig naman ni Transportation Assistant Secretary for Road Transport at Infrastructure Mark Steven Pastor, ang pagbubukas ng mas maraming ruta ay naglalayong maiwasan na ang pagtangkilik sa mga colorum vehicles.— Angie dela Cruz

LTFRB
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with