^
Supply ng oxygen tanks, kinakapos na rin
Ayon sa ilang supplier sa lugar na kilalang bilihan ng mga medical supply at equipment na naramdaman ang kakapusan sa oxygen tanks simula pa noong Holy Week.
The STAR/Michael Varcas

Supply ng oxygen tanks, kinakapos na rin

(Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinakapos na rin ng supply ng oxygen tanks sa Bambang area sa Maynila dahil sa pag-alagwa ng mga tinatamaan ng COVID-19.

Ayon sa ilang supplier sa lugar na kilalang bilihan ng mga medical supply at equipment na naramdaman ang kakapusan sa oxygen tanks simula pa noong Holy Week.

At dahil umano sa high demand, tumaas na rin ang presyo nito. Nagpaalala ang Department of Health sa mga supplier na iregulate ang pagbebenta ng oxygen tanks dahil sa baka kapusin sa supply ang mga pagamutan.

Nagbabala rin ang tanggapan sa publiko na huwag mag-stock ng oxygen tanks sa kani-kanilang bahay.

Ayon kay  DOH spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaaring iniisip ng publiko na madaling i-administer ang oxygen tank, pero ang hindi nila alam may kaukulang level ng oxygen ang kailangang maibigay sa isang indibiduwal base sa kanyang kondisyon. “Kung sinabi ng doktor mo na kailangan mo ng oxygen, iyon ang tamang oras para kumuha nito”, dagdag pa ni Vergeire.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with