_ngayon
^
Pagbabakuna sa seniors sa Quezon City, umarangkada na
Ayon kay Joseph Juico, co-chairperson ng vaccination task force ng lungsod, may 2,000 senior citizen ang inisyal na nabigyan ng unang dose ng AstraZeneca vaccine kahapon sa ibat-ibang vaccination sites na itinayo nila sa anim na distrito ng lungsod.
Boy Santos

Pagbabakuna sa seniors sa Quezon City, umarangkada na

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 1, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinimulan na rin ng ­Quezon City government , ang pagtuturok ng CO­VID-19 vaccine sa mga se­nior citizen sa lungsod.

Ayon kay Joseph Juico, co-chairperson ng vaccination task force ng lungsod, may 2,000 senior citizen ang inisyal na nabigyan ng unang dose ng AstraZeneca vaccine kahapon  sa ibat-ibang vaccination sites na itinayo nila sa anim na distrito ng lungsod.

Ani Juico, ito ay micro-rollout lamang na ang target ay mga barangay na malapit sa vaccination sites.

Sinabi niya na nasa 2,000 doses ang mga hindi na­gamit na AstraZeneca vaccine na nakuha nila mula sa mga pagamutan at ito ang ibinigay nila sa mga ­senior citizen, na mahalagang mabakunahan na rin upang maprotektahan sila laban sa virus.

Tiniyak naman ni Juico na kaagad na babakunahan ang iba pang senior citizen sa sandaling matanggap na nila ang mga karagdagan pang AstraZeneca vaccines.

Samantala, sa isang pahayag, sinabi naman ng ­Quezon City LGU na mayroon pa silang suplay ng Sinovac vaccine ngunit hindi naman inirerekomenda ng Food and Drug Administration (FDA) na ibigay ito sa mga senior citizen, kaya’t ilalaan na lamang ito sa iba pang nasa priority list ng DOH.

Inabisuhan din ng lokal na pamahalaan ang publiko na manatiling nakaantabay sa kanilang official Facebook page at website para sa iba pang anunsiyo sa pagbabakuna sa lahat ng senior citizen ng lungsod.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Juico na sisimulan na rin ng lokal na pamahalaan ang pagbabakuna sa mga indibiduwal na may co-morbidities sa Linggo matapos ang Lenten break. Aniya, inaasahan nilang makakatanggap sila ng 35,000 karagdagang doses ng Sinovac mula sa national government.Plano rin aniya ng Quezon City government na magbukas pa ng dalawa hanggang tatlo pang vaccination sites ngayong mas marami nang tao ang nagnanais na magpaturok na ng bakuna.

Hanggang nitong Lunes, umaabot na sa mahigit 18,400 katao ang nabigyan ng bakuna sa lungsod.

 

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with