_ngayon
^
Lider, 3 galamay ng KFR gang, todas sa shootout
Ayon kina PNP-AKG Director BGen. Jonnel Estomo at QCPD District Director, BGen. Danilo Macerin, patay si Wilbert Bonilla alyas Bongbong lider ng ‘Bonilla Kidnap for ransom group at tatlong iba pang hindi nakilalang kasamahan.
STAR/File

Lider, 3 galamay ng KFR gang, todas sa shootout

Doris Franche, Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - March 31, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bulagta ang lider ng  isang kidnap group  at tatlo nitong galamay sa ikinasang operasyon ng PNP Anti-kidnapping Group (AKG) at Quezon City Police District (QCPD) kahapon ng madaling araw ­Quezon City, habang nailigtas naman ang  dalawang  biktima.

Ayon  kina PNP-AKG Director BGen. Jonnel Estomo at  QCPD District Director, BGen. Danilo Macerin, patay si Wilbert Bonilla alyas Bongbong lider ng ‘Bonilla Kidnap for ransom group at tatlong iba pang hindi nakilalang kasamahan.

Niligtas naman  ang dalawang kidnap victims na sina Edmer Tumagan at Michael Pearson Bongcaras kapwa mga empleyado ng Sybtites Construction Company matapos ang  operasyon laban sa mga suspek.

Batay sa ulat ng QCPD-PS6, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang engkuwentro sa Capitol Hills St. kanto ng Zuzuarregui St., sa Brgy. Old Balara.

Nauna rito, may isang buwan na umanong nagsasagawa ng surveillance at monitoring ang mga tauhan ng Anti-Kidnapping Group ng Philippine National Police (PNP-AKG) laban sa mga mi­yembro ng ‘Wilbert G. Bonilla Kidnap for Ransom’  group matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa plano nilang pagkidnap sa isang negosyante sa Quezon City.

Kahapon ng madaling araw ay naispatan umano ng mga pulis ang mga suspek na pagala-gala sa area ng Commonwealth, Quezon City lulan ng isang Kia Besta van, kaya’t kaagad na nakipag-ugnayan ang mga ito sa QCPD-PS6 para sa pagtatayo ng checkpoint at posibleng pag-aresto sa mga suspek.

Pagsapit ng ala-1:00 ng madaling araw, namonitor ng mga awtoridad na may hinarang ang mga suspek na isang silver na Chevrolet at puwersahang tinangay ang mga sakay nito.

Dakong ala-1:30 ng mada­ling araw nang dumating sa lugar na pinangyarihan ng engkuwentro ang mga suspek, na noon at kaagad na binuntutan na ng mga sasakyan ng mga AKG personnel.

Gayunman, nang makita ng mga suspek ang checkpoint ay bigla umanong umiwas  at sumibad papalayo sa pagtatangkang tumakas.

Pinaputukan din nito ang mga humahabol sa kanilang mga alagad ng batas kaya’t napi­litan ang mga pulis na gumanti ng mga putok, na nagresulta sa pagkamatay ng apat na suspek at matagumpay na pagkakaligtas sa mga biktima.

Narekober ng mga awtoridad mula sa nasawing mga suspek ang ibat ibang armas na gamit nila sa kanilang operasyon.

QCPD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with