^

Metro

Bagong silang na sanggol itinapon sa basurahan, patay matapos papakin ng daga at langgam

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang bagong silang na sanggol ang nasawi nang itapon sa basurahan at pagpistahan ng mga daga at langgam sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City kahapon ng umaga.

Inaalam na ng mga awtoridad ng Quezon City Police District (QCPD) kung sino ang may kagagawan sa pagtatapon sa basurahan ng sanggol na lalaki na inilagay sa isang kahon.

Batay sa ulat ni PSSg. Alvin Quisumbing, ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), dakong alas-11:00 ng umaga kahapon nang matagpuan ang bagong silang na sanggol sa tambak ng mga basura sa Freedom Park St., Brgy. Batasan Hills.

Sa salaysay ni Aldo Volante, garbage collector, ng Visayas St., Payatas B, nabatid na abala siya sa paghahakot ng basura nang bumulaga sa kaniya ang sanggol na nakapaloob sa isang kahon na inabandona sa naturang tambakan.

Kaagad namang ipinaalam ni Volante sa purok leader na si Fe Delfin, ang insidente at isinugod nila ang sanggol sa Maclang Bautista Hospital ngunit idineklara na itong dead-on-arrival ni Dr. Lara Rellora.

Kaugnay nito, nag-alok naman si Duterte Youth Patrylist Cong. Ducielle Marie Car­dema ng pabuyang P25,000 sa sinumang makapagtuturo sa mga magulang ng inabandonang sanggol sa tambakan.

Ani Cardema, plano rin niyang maghain ng panukalang batas na magpaparusa sa mga iresponsableng magulang na magpapabaya sa kanilang mga anak.

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with