_ngayon
^
10% kapasidad sa mga simbahan sa Maynila, aprubado kay Isko
Nanawagan naman si Manila City Mayor Isko Moreno sa mga Katoliko na sa pagdalo sa mga misa ay dapat na palaging sumunod sa health protocols tulad ng pagsusuot palagi ng face masks, face shields at pananatili ng physical distancing.
The STAR/Miguel De Guzman

10% kapasidad sa mga simbahan sa Maynila, aprubado kay Isko

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 27, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sang-ayon si Manila City Mayor Isko Moreno sa pagbubukas pa rin ng mga simbahan sa loob ng siyudad ngunit lilimitahan lamang ito sa 10 porsyentong kapasidad.

Kaugnay ito ng pastoral letter ni Manila Auxilliary Bishop Broderick Pabillo na iginigiit ang patuloy na pagbubukas ng mga simbahan na limitado lamang sa 10% kada misa.

“Let the worshipers be spread apart within our churches, using the health protocols that we have been so consistently implementing,” ayon kay Pabillo na nilinaw rin na hindi sila magpapatupad ng mga aktibidad sa labas ng simbahan tulad ng senakulo, pabasa, mga prusisyon, motorcades at Visita Iglesia.

Nanawagan naman si Moreno sa mga Katoliko na sa pagdalo sa mga misa ay dapat na palaging sumunod sa health protocols tulad ng pagsusuot palagi ng face masks, face shields at pananatili ng physical distancing.

Kahapon, nag-umpisa na ang Quiapo church sa pagmimisa na may 10% kapasidad lamang. Itinaboy naman ng mga nagbabantay na tauhan ng Manila Police District (MPD) ang mga deboto na hindi umabot sa 100 katao na cut-off.

Ngunit hindi tulad ng mga nakaraang pagkakataon na pinapayagan ang mga deboto na manatili sa labas at gilid ng simbahan ng magkakahiwalay, pinaalis rin sila ng mga pulis habang nilagyan ng barikada ang Plaza Miranda. 

Pinatay rin ang LED screen at loudspeaker ng simbahan kaya hindi rin nasaksihan ng mga nasa labas ng Plaza Miranda ang misa.

CHURCH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with