^

Metro

Babaeng pasahero nag-selfie ng walang face mask, shield sa MRT-3, kakasuhan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang kasuhan ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang isang babaeng pasahero nag-selfie sa loob ng tren ng walang suot na face mask at face shield.

Ayon sa MRT-3 ang naturang aksiyon ng pasahero ay reckless, insensitive at naglagay sa alanganin sa kalusugan ng kanyang kapwa pasahero.

“Our attention was called regarding a video that was uploaded on Facebook showing a female MRT-3 passenger taking a selfie without a face mask and face shield,” anang MRT-3 sa isang pahayag.

“We condemn such wanton disregard on these health and safety measures,” anito pa.

Kaugnay nito, humingi ng tulong ang MRT-3 sa publiko para sa impormasyon upang matukoy ang identidad ng pasahero sa video at maimbestigahan ito para sa pagsasampa ng kaukulang kaso dahil sa ginawang paglabag sa public health and safety protocols.

Magsasagawa rin anila ng imbestigasyon upang tukuyin kung nagkaroon ng kapabayaan sa panig ng kanilang transport marshal on duty, na siyang may awtoridad upang paalalahanan, pababain ng tren, pa­labasin ng istasyon at terminal, ang sinumang pasahero na hindi tumatalima sa mga health rules ng MRT-3.

Muli rin namang hinikayat ng MRT-3 ang mga pasahero na istriktong tumalima sa health protocols sa loob ng mga tren at maging mapagpasensiya at masunurin kung pinapaalalahanan o binabalaan sila ng mga transport marshals sakaling nalabag nila ang mga naturang panuntunan.

vuukle comment

MRT3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with