_ngayon
^

Airport sa Bulacan, suportado ng LGUs, residents

(Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinuportahan kahapon ng mga local officials, residents at stakeholders ang agarang pagpapagawa ng Manila International Airport sa Barangay Taliptip, Bulakan, Bulacan.

Ito aniya ay isang game-changing project na itatayo ng San Miguel Corporation at magpapakita sa economic potential ng Bulacan province na magbibigay ng trabaho sa mga Pinoy para makabangon sa COVID-19 pandemic.

Nagkaisa sina Bulacan governor Daniel Fernando, Bulakan town mayor Vergel Meneses at mga opisyales at residente ng Barangay Taliptip at Barangay Bambang na suportahan ang P740 billion project sa idinaos na public hearing na pinamunuan ng Environment Management Bureau of the Department of Environment at Natural Resources (DENR).

“Ang proyektong ito ay maghahatid ng ibayong kaunlaran at mataas naantas ng pamumuhay, “ ani Gov. Fernando na idinagdag na maaa­ring maging isang global destination para sa turismo ang probinsya ukol sa itatayong airport.

Kabuuang 364 relocated residents ang binigyan ng SMC ng cash assistance para sa pagtatayo ng Manila International Airport sa Barangay Taliptip, Bulakan, Bulacan.

AIRPORT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with