_ngayon
^

100 pulis ikinalat sa Navotas

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - March 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas marami na ngayong pulis ang makikita sa Navotas City matapos na magpakalat ang National Capital Region Police Office ng karagdagang 100 tauhan nito sa lungsod laban sa COVID-19.

Ang deployment ng mga pulis ay bunsod ng muling pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID sa Metro Manila.

Nabatid na ang mga pulis ay mula sa Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO.

Layon ng nasabing police deployment na matiyak na nasusunod ang implementasyon ng mga ordinansa sa lungsod na may kaugnayan sa pag-iwas sa COVID-19 partikular na ang physical distancing, pagsusuot ng face mask at face shield at magpapatupad ng curfew.

Matatandaang maraming natanggap na sumbong ang lokal na pamahalaan tungkol sa mga lumalabag sa mga health protocols sa iba’t ibang barangay sa lungsod at isa sa tinukoy na dahilan sa paglobong muli ng kaso ng COVID-19 sa Navotas.

Sa pinakahuling tala ng Navotas LGU, umakyat na sa 557 ang bilang ng COVID-19 active case sa lungsod matapos makapagtala ng 84 na panibagong kaso noong Miyerkules.

COVID-19 NCRPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with