^

Metro

MRT-3, LRT-2 may free ride sa kababaihan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
MRT-3, LRT-2 may free ride sa kababaihan
Ayon kay MRT-3 director for operations, Engr. Michael Capati, nakagawian na nilang gawin ang inisyatibang ito kada taon bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day at pagbibigay pugay sa mga kababaihan.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Magkakaloob ng free ride ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa mga kababaihan ngayong Lunes, Marso 8.

Ayon kay MRT-3 director for operations, Engr. Michael Capati, nakagawian na nilang gawin ang inisyatibang ito kada taon bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day at pagbibigay pugay sa mga kababaihan.

Maaaring i-avail ang libreng sakay mula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi ngayong araw.

Una na ring inianunsiyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magbibigay ng libreng sakay para sa mga kababaihan ang LRT-2 ngayong araw sa kaparehas na oras.

Ang MRT-3 ay bu­mabagtas sa kahabaan ng EDSA mula North Avenue, Quezon City hanggang Taft Avenue sa Pasay City at vice versa.

Ang LRT-2 naman ay bumibiyahe mula Claro M. Recto Avenue, Maynila hanggang Santolan, Pasig City at pabalik.

vuukle comment

LRT

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with