^

Metro

DILG sa LGUs: Higpitan ang health protocols vs COVID-19

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DILG sa LGUs: Higpitan ang health protocols vs COVID-19
Ayon kay DILG Officer-In-Charge at Undersecretary Bernardo Florece Jr., pagod na pagod na ang mga tao at maging ang mga law enforcers sa mga umiiral na restriksiyon, lalo na ngayong malapit nang umabot ng isang taon ang pagpapairal nito.
The STAR/Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na higit pang paghusayin ang kanilang mga ordinansa upang matiyak na patuloy na naoobserbahan ng mga mamamayan ang health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na COVID-19.

Ayon kay DILG Officer-In-Charge at Undersecretary Bernardo Florece Jr., pagod na pagod na ang mga tao at maging ang mga law enforcers sa mga umiiral na restriksiyon, lalo na ngayong malapit nang umabot ng isang taon ang pagpapairal nito.

“Totoo ‘yun kasi sa March 16, one year na tayo exactly. Kasi March 16 tayo last year nag-declare ng lockdown sa Luzon. Kumbaga exhausted na rin ang mga tao pati na rin ‘yung ating mga law enforcers,” wika niya.

Kamakailan lamang ay nagpasya na ang pamahalaan na paluwagin o tuluyang alisin ang ilang health protocols at requirements upang unti-unti nang maiba­ngon ang nalugmok na ekonomiya ng bansa dahil sa COVID-19.

Hindi na kinakailangan ng mga biyahero na sumailalim sa COVID-19 testing maliban na lamang kung ire-require sila ng LGU bago ang kanilang pagbiyahe. Ta­nging RT-PCR test lamang din ang pinapayagan.

Maging ang travel authority at health certificates ay hindi na rin kinakailangan pa, gayundin ang quarantine maliban na lamang kung makikitaan sila ng mga sintomas ng sakit pagdating sa lugar na kanilang destinasyon.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with