^

Metro

100% Navoteño kids nabakunahan na ng tigdas-rubella

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naabot na ng Navotas City ang 100 porsiyento ng pagbabakuna ng sa tigdas-rubella sa mga batang 5-taong gulang pababa.

Ito ang inihayag ni Navotas City Mayor Toby Tiangco kung saan ang lungsod ang kauna-unahan sa Metro Manila na nakagawa nito,

Nabatid na Marso 2 nang mabakunahan ang nasa 19,820 mga bata. Ani Tiangco, malaking hamon ito sa kanila dahil sa pag-aalinlangan sa bakuna sa pandemya.

Nagpasalamat si Tiangco sa mga health workers sa kanilang dedikasyon at suporta ng mga magulang immunization drive. Umaasa rin ang alkalde na magkakaroon ng parehong pagtanggap at sigasig sa COVID-19 vaccination program.

Ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA) ay nagsimula noong February 1-28 at pinalawig ng DOH ang deadline hanggang March 7 upang maabot ang target populasyon ng bansa na 95%.

vuukle comment

BAKUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with