^

Metro

LRT-2, may libreng sakay sa International Women’s Day

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
LRT-2, may libreng sakay sa International Women�s Day
Libreng sakay para kay Juana sa LRT-2 sa ika-8 ng Marso 2021. Kaugnay ng pagdiriwang ng International Women’s day, may Libreng Sakay ang lahat ng kababaihang pasahero!” anang Light Rail Transit Authority (LRTA), sa isang paabiso.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pagkakalooban ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng libreng sakay, bukas, Lunes, Marso 8, ang mga kababaihan, bilang pakikibahagi sa pagdiriwang ng International Women’s Day.

“Libreng sakay para kay Juana sa LRT-2 sa ika-8 ng Marso  2021.  Kaugnay ng pagdiriwang ng International Women’s day, may Libreng Sakay ang lahat ng kababaihang pasahero!” anang Light Rail Transit Authority (LRTA), sa isang paabiso.

Ayon sa LRTA, maaaring i-avail ang libreng sakay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Sa ngayon ang LRT-2 ay bumibiyahe mula Claro M. Recto Avenue, sa Maynila hanggang sa Santolan, Pasig City.

Inaasahan namang pagsapit ng Abril ay aabot na ang biyahe nito hanggang sa Masinag, Antipolo City dahil malapit nang maging operational ang dalawang bagong istasyon nito sa Marikina City at Masinag.

vuukle comment

LRT 2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with