^
Mall operators, iniliban ang pagbubukas ng mga sinehan
Ayon kay Steven Tan, Presidente ng SM Supermalls, bagama’t handa na sila sa mu-ling pagbubukas ng kanilang mga sinehan, makikipagtulungan sila sa LGUs sa anumang panuntunan na ipagagawa sa kanila hinggil dito.
Philstar/File

Mall operators, iniliban ang pagbubukas ng mga sinehan

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

Kahit pa pinayagan na sa GCQ areas

MANILA, Philippines — Bagama’t simula kahapon ay pinapayagan na ang pagbubukas ng mga sinehan sa mga lugar na nasa ge-neral community qua-rantine (GCQ) kabilang dito ang Metro Manila, nagpasya naman ang malalaking mall ope­rators na hindi muna magbukas ng kanilang mga cinema.

Ayon kay Steven Tan, Presidente ng SM Supermalls, bagama’t handa na sila sa mu-ling pagbubukas ng kanilang mga sinehan, makikipagtulungan sila sa LGUs sa anumang panuntunan na ipagagawa sa kanila hinggil dito.

“SM Cinemas will work closely with the LGUs on our reopening. We are prepared to open with strict safety standards for all customers. We will follow the LGU’s seat gap and capacity policies, keep face masks and shields on at all times, and deep clea-ning done after every screening,” dagdag ni Tan.

Naghihintay naman ang Ayala Malls sa approval ng LGUs para sa muling pagbubukas ng kanilang mga sinehan.

“In as much as we do want to reopen our Cinemas to welcome the movie-going public once again, we regret that we will not be able to do just yet as we are still waiting for the appro-val of the LGUs where Ayala Malls Cinemas are located. Until such time we receive formal advice from the City Mayors, our cinemas shall remain closed,” pahayag ni Charmaine Bauzon, Cinemas head ng Ayala Malls.

Niliwanag naman ng Robinsons Malls na susundin muna nila ang guidelines at final approval ng mga LGUs para sa pagbubukas ng mga sinehan.

Final approval naman ng QC government ang hinihintay ng pamunuan ng Araneta City para sa pagbubukas ng kanilang mga sinehan. Handa na umano sila sa naitak­dang ipatutupad na protocol sa loob ng sinehan oras na mapayagan na silang mag operate ulit.

Magugunitang nagpalabas ang Department of Trade and Industry ng Memorandum Circular No. 21-08 na nagsasaad ng pagpayag na makapag-operate ulit ang mga sinehan mula kahapon (March 5) hanggang 25% venue capacity lamang. Bawal ang pagkain, pag-inom sa loob ng sinehan at nakasuot ng face mask ang mga manonood sa loob.

GCQ SINEHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with