^
Bakunang proteksyon umarangkada na rin sa Malabon
Pinangunahan ito ni Mayor Lenlen Oreta na ginanap sa Ospital ng Malabon, kung saan isinagawa ang “cere­monial vaccination” ang alkalde at unang binakunahan si Dr. Mitzi Tanchoco na doktor sa nasabing ospital.
Philstar.com/Irish Lising, file

Bakunang proteksyon umarangkada na rin sa Malabon

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umarangkada na rin ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa lungsod ng Malabon sa mga health workers at front-liners, kahapon.

Pinangunahan ito ni Mayor Lenlen Oreta na ginanap sa Ospital ng Malabon, kung saan isinagawa ang “cere­monial vaccination” ang alkalde at unang binakunahan si Dr. Mitzi Tanchoco na doktor sa nasabing ospital.

“Alam nating marami pa rin ang takot at nanga­ngamba sa ngayon pero umaasa kami na sa pamamagitan nito, mas marami pang pamilya ang mahikayat na magpabakuna alang-alang sa kanilang mga mahal sa buhay,” pagdidiin ni Oreta.

Katuwang ang Department of Health-NCR sa pangunguna ni Dr. Corazon Flores, MPH, CESO IV, iniha­yag ng pinuno ng lungsod na hangarin nilang mapabakunahan ang higit-kumulang pitumpung porsyento ng ka­nilang populasyon.

Dumating din sa pag­titipon sina Congresswoman Jaye Lacson-Noel at Konsehal Enzo Oreta na tumulong din upang himukin ang mga Malabonian na magparehistro para sa bakuna.

“Magpalista na po sana tayo para po handa na tayo at masimulan na ang proseso, yung mga frontliners natin matagal nang nagpa-practice at handa nang gampanan ang mga tungkulin nila, hinihintay na lang po natin yung bakuna para sa lahat, pero tayo sa lungsod ng Malabon, handang-handa na,” paalala ni Oreta.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with