^
NCR maaapektuhan, sakaling ilagay sa ECQ ang Pasay
“Alam po ninyo na hindi ako nag-o-object kung gagawing ECQ ang Pasay per se but the other agencies and services must adjust accordingly at declaring ECQ is one thing but managing it is another matter. Kaya sa tingin ko po yan ay kailangan din maano po ng IATF,” pahayag ni Mayor Emi sa online briefing.
Miguel De Guzman, file

NCR maaapektuhan, sakaling ilagay sa ECQ ang Pasay

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na hindi siya tumututol sakaling magdesisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim ang lungsod sa enhanced community quarantine (ECQ), subalit kaila-ngang ikonsidera ang pagiging travel hub ng lungsod na makaka-apekto sa galaw ng iba pang siyudad

“Alam po ninyo na hindi ako nag-o-object kung gagawing ECQ ang Pasay per se but the other agencies and services must adjust accordingly at declaring ECQ is one thing but managing it is another matter. Kaya sa tingin ko po yan ay kailangan din maano po ng IATF,” pahayag ni Mayor Emi sa online briefing.

Aniya, sa oras na ideklara ang citiwide ECQ sa Pasay, may impact ito sa buong National Capital Region dahil maaapektuhan ang airport, mga terminal ng bus, na kailangang mag-adjust sa posibleng restrictions na ipatupad.

Aniya, naisip din aniya nila na ilagay sa ECQ ang lungsod nang malaman na napasok na sila ng mas nakahahawang South African variant of COVID-19.

Pinag-aaralan na rin aniya, ang pagli-lift ng localized ECQ sa 30 barangay na natapos na ang mga kaso ng COVID-19  mula sa 77 barangay na nai-lockdown at sabihin ng Department of Health (DOH) na ang Pasay ay itinuturing na ‘critical’ area.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with