^

Basura palit grocery sa Quezon City

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaari na ngayong ipalit ang basura sa grocery sa Quezon City.

Ito ay makaraang ilunsad ng QC govern­ment ang ‘trash to cash­back’ plastic waste trading program ng Environmental Protection and Waste Management Department (EPWMD) ng QC hall.

Sa ilalim ng prog­rama, ang mga residente ng QC ay maaa-ring magpalit ng mga recyclables sa groceries partikular ang bigas, itlog gayundin ng gulay.

“The program’s main objective is to promote to our QCitizens the importance of recycling and proper waste segregation. Kapag dinala nila sa ating Trash to Cashback kiosk ang kanilang recyclable materials, pwede nila itong ipalit sa grocery,” pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte.

Nailagay ang My Basurero Eco-Community (MBE-C) kiosk sa QC Hall Risen Garden na ang mga empleyado ay maaaring magpapalit ng kanilang recyclable waste tulad ng plastic, papel at metal s groceries.

Ang programa ay takdang ilagay din sa mga barangay. Ang prog­rama ay ginawa makaraang ipagbawal ng tuluyan ang paggamit ng plastic bag sa QC.

BASURA GROCERY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with