^
âZero death reportâ ng mga dayuhan sa bansa ikinagulat ng BI
Ito ay makaraang aminin ni Immigration Commissioner Jaime Morente na nagtataka sila kung bakit walang naiulat o ‘zero report’ sila sa ‘alien’s death’ mula nang mag-umpisa ang pandemya nitong 2020.
Bureau of Immigration Facebook Photo

‘Zero death report’ ng mga dayuhan sa bansa ikinagulat ng BI

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga kaanak at kaibigan ng mga dayuhan na nakatira sa bansa na dapat iulat sa kanilang tanggapan sakaling pumanaw ang mga ito sa bansa upang ma-update ang records at makansela ang kanilang alien registration.

Ito ay makaraang aminin ni Immigration Commissioner Jaime Morente na nagtataka sila kung bakit walang naiulat o ‘zero report’ sila sa  ‘alien’s death’ mula nang mag-umpisa ang pandemya nitong 2020.

Ipinaliwanag ni Morente na sa ilalim ng 1950 Alien Registration Act, ang mga magulang, kaanak o ang taong ‘in-charge’ sa paglilibing sa namayapang dayuhan ay dapat iulat ito sa BI at isuko ang ‘alien certificate of re-gistration identity card (ACR I-Card).

Mahalaga umano ito para sa maayos na pag-monitor ng pamahalaan sa galaw at bilang ng mga dayuhan na nananatili sa bansa at pagbabantay rin laban sa COVID-19.

Kabilang din sa ‘persons in-charge’ ang mga may-ari at operator ng mga funeral parlors, sementeryo at crematoriums, ayon kay Atty. Jose Carlitos Licas, hepe ng BI alien registration.

Ang pag-uulat ng mga nasawing dayuhan ay magreresulta rin para maipaalam ito sa embahada ng kaniyang bansa para maipaabot ang impormasyon sa kaniyang mga kaanak sa ibayong-dagat.

BI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with