^
7,700 hindi awtorisadong COVID-19 test kits nakumpiska, 2 arestado
Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kay PNP Chief PGen. Debold Sinas, naaresto ng kanilang mga tauhan mula sa QC District Field unit, kasama ang mga tauhan ng Philippine Air Force intelligence at Navotas Police Station ang dalawang suspek na sina Liset Lo Kaw, 40, at Christian Casanova Cruz, 23.
STAR/ File

7,700 hindi awtorisadong COVID-19 test kits nakumpiska, 2 arestado

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa 7,700 hindi awtorisadong COVID-19 test kits ang nasabat mula sa isang Chinese trader at kanyang Pilipinong kasosyo sa isang entrapment operation sa Brgy. San Rafael Village, Navotas City.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kay PNP Chief PGen. Debold Sinas, naaresto ng kanilang mga tauhan mula sa QC District Field unit, kasama ang mga tauhan ng Philippine Air Force intelligence at Navotas Police Station ang dalawang suspek na sina Liset Lo Kaw, 40, at Christian Casanova Cruz, 23.

Nabatid kay Sinas na na-katanggap sila ng reklamo mula sa Food And Drug Administration (FDA) na may bentahan sa online ng mga COVID-19 rapid test kits na hindi lisensyado sa tanggapan.

Agad na nagsagawa ng surveillance ang CIDG at nang makumpirma mabilis na inilatag ang entrapment operations.

Nakuha sa dalawang suspek ang 154 kahon  na ang bawat isa ay naglalaman ng 50 piraso ng CLUNGENE rapid test kit na may kabuuang halagang mahigit P1 milyon.

Kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9711 or Food and Drug Administration Act of 2009 ang mga suspek kaugnay ng FDA Circular No. 2020-016 na nagbabawal  sa online selling ng COVID-19 test kits.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with