^
P680K shabu nasabat sa 3 âtulakâ
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Aldrin Florano, 21; El Jerricho Osorio, 33; at si Eloisa Reyes, 48.
STAR/ File

P680K shabu nasabat sa 3 ‘tulak’

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa P680,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa tatlong tulak na nalambat ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa ikinasang buy-bust operation, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Aldrin Florano, 21; El Jerricho Osorio, 33; at si Eloisa Reyes, 48.

Sa ulat, dakong alas-2 ng madaling araw nang isa­gawa ng mga tauhan ng Sta. Cruz Police Station-Drug Enforcement Unit ang operasyon sa kanto ng Recto Avenue at Oroqueta Street sa Brgy. 310 District 3, ng naturang lungsod.

Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer at matagumpay na nakabili ng shabu sa suspek na si Florano. Dito dinakma ng mga nakaantabay na pulis ang suspek maging ang kaniyang dalawa pang kasama.

Nasa 13 plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu ang nasabat sa mga suspek at nagkakahalaga ng P680,000. Narekober din ang P500 marked money na ginamit ng buyer at isang Nmax type na scooter.

MPD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with