^

Sinehan, arcade sa Valenzuela bukas na ngayon

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpasya na si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na buksan na ngayon ang anim na sinehan at ilang arcade sa lungsod matapos itong payagan ng IATF.

Sa kabila nito, agad namang nilinaw ni  Gatchalian na mayroon pa ring susunding mga patakarang ilalabas ang city government kaugnay sa banta ng COVID-19 virus.

Ayon kay Gatchalian, ipatutupad pa rin ang mahigpit na regulasyon sa loob ng mga sinehan at arcade upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa lungsod.

Sa ngayon, nasa  25 porsyento kapasidad  pa lamang ng sinehan ang papayagan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine habang   nasa 50 porsiyento naman sa mga  lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine.

Papayagan naman ang 50 porsyentong kapasidad sa mga lugar sa GCQ sa library, museum, cultural center, meeting at convention, limited tourist attractions and video game arcades, at 75 porsyento naman sa MGCQ.

Ang social events ay puwedeng payagan ang 30 porsyentong kapasidad sa GCQ at 50 porsyento naman MGCQ. (

REX GATCHALIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with