^

Ordinansa sa pagtatayo ng modernong Ospital ng Makati, aprubado na

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aprubado na sa Sanggu­niang Panlungsod ng Ma-kati ang ordinansa para sa proyektong Public Private Partnership (PP) Agreement  sa pagtatayo ng mas mo-dernong Ospital ng Makati 2.

Nagpasalamat  kahapon si Mayor Abby Binay sa 13 konsehal ng lungsod na pumabor sa City Ordinance No. 2021-021 kung saan  pinapahintulutan si Mayor Abby na pirmahan ang isang Kasunduan sa LifeNurture Inc. para sa konstruksyon, operasyon at pamamahala ng OsMak 2.

“I thank the 13 councilors who voted yes to the ordinance and made way for a more modern OsMak to serve our residents,” ani  Mayor Abby.

Magiging posible na aniya, ang kaniyang naipanga-ko na mapalawak pa ang health at medical services para sa  Proud Makatizens.

Sakaling fully operational na ang bagong ospital, mas ma-aacces na ito ng mara-ming Makatizens ang mo-dernong healthcare service at facilities, lalo na ang mga taga district 1.

Sa ilalim ng PPP Contract, hindi gagastos ni isang sentimo ang Makati City go-vernment sa konsturksoyon  ng ospital, redevelopment at operations.

Ang bagong ospital ay nilagyan ng state-of-the-art facilities kabilang ang Cancer Center na may mangangasiwang multi-specialty team gamit ang best equipment tulad ng linear accelerator para sa radiation treatment; isang  Cardiac Center na may cardiac catheterization lab para sa angiography, open heart surgery at organ transplantation surgeries; at isang Physical Rehabilitation Medical Center na gagamit naman ng robotics sa paggamot ng joint at soft tissue ailments.

ABBY BINAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with