^
Singil sa kuryente ngayong Marso, posibleng bumaba
Ito’y dahil umano sa mas mababang generation cost at impact ng refund order mula sa Energy Regulatory Commission (ERC).
STAR/ File

Singil sa kuryente ngayong Marso, posibleng bumaba

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakakakita ang Manila Electric Co. (Meralco) ng posibilidad na magkaroon ng reduction o pagbaba sa kanilang power rates ngayong buwan ng Marso.

Ito’y dahil umano sa mas mababang generation cost at impact ng refund order mula sa Energy Regulatory Commission (ERC).

Ayon kay Meralco spokesperson at vice president for Corporate Communications Joe Zaldarriaga, base sa kanilang inisyal na projections, malaki ang posibilidad na magkaroon ng pagbaba sa singil sa kuryente ngayong Marso 2021.

Kung mangyayari aniya, ito na ang ikalawang sunod na buwan na bababa ang power rates ngayong taon.

“Based on initial projections, there is a strong likelihood that power rates for March 2021 will go down which was earlier projected and this will be the second consecutive month of decrease for the year,” aniya, sa isang panayam.

Matatandaang noong Pebrero, tinapyasan ng Meralco ng 7.04 sentimos kada kilowatt-hour (kWh) ang singil nila sa kuryente kaya’t naging P8.6793/kWh na lamang ito, mula sa dating P8.7497 noong Enero.

Inaasahang iaanunsiyo ng Meralco ang kanilang bagong power rates adjustments sa ikalawang linggo ng buwan.

MERALCO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with