^
RT-PCR test sa mga biyahero hindi tatanggalin â PNP
Ito ang paglilinaw ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng desisyon ng IATF na wala nang travel authority at swab Test sa mga gustong bumiyahe sa mga probinsya.
STAR/Walter Bollozos, file

RT-PCR test sa mga biyahero hindi tatanggalin – PNP

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mananatili ang RT-PCR Test result sa mga biyahero.

Ito ang paglilinaw ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng desisyon ng IATF na wala nang travel authority at swab Test sa mga gustong bumiyahe sa mga probinsya.

Ayon kay Lt .Gen Cesar Hawthorne Binag, Commander ng JTF COVID SHIELD, nasa  kamay pa rin  ng mga local government unit ang  pagpapatupad ng patakaran sa mga biyahero at hingan ng swab test lalo na sa mga magtutungo sa mga tourist destination .

 Bagama’t niluwagan na ng IATF ang pagbiyahe ay kailangan pa ring sumunod ang lahat sa mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing.

Ilan pa ring mga LGU’s ang nagdesisyon na dapat ay may negative result sa swab test ang mga magtutungong bisita sa kanilang Lugar.

Dagdag ni Binag, kailangan pa rin ang pag- iingat dahil nananatili pa rin ang banta ng virus. Mas makabubuting sumunod sa  patakaran ng pamahalaan upang maiwasan ang anumang  aberya.

RT-PCR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with