^

Pagdami ng COVID-19 cases sa Marikina, ikinabahala

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagkabahala si Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro matapos na makapagtala ang city government nang pagdami ng mga residenteng dinadapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod.

Ayon kay Teodoro, tinawag pa ng OCTA Research Team ang Marikina City bilang “LGU of concern.”

Sinabi ng alkalde na nagawa nilang i-manage ang bilang ng mga kaso ng sakit noong mga nakaraang panahon ngunit nakakakita na naman aniya sila nang pagdami ng mga kaso ng sakit ngayon.

Aniya, nakakaalarma ito kaya’t kinakailangan nilang magpatupad ng mas istriktong mga pamamaraan upang maiwasan ang higit pang pagkalat ng sakit.

Kaugnay nito, sinabi ni Teodoro na kahit pa pinayagan na ang muling pagbubukas ng mga traditional cinema bukas, Marso 5, ay hindi pa rin nila ito papayagan sa lungsod.

Ayon kay Teodoro, naglabas na siya ng executive order na nagsususpinde sa muling pagbubukas ng mga sinehan sa lungsod at mananatili aniya itong epektibo upang matiyak ang kalusugan at kapakanan ng mga residente.

Batay sa datos, hanggang nitong Martes ay nakapagtala na ang Marikina City ng kabuuang 4,563 COVID-19 cases matapos na makapagtala ng karagdagang 25 bagong COVID-19 infections.

Sa naturang kabuuang bilang, 277 ang active cases, 4,194 ang recoveries habang 87 naman ang sinawimpalad na bawian ng buhay.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with