^

Metro

PDEA chief Villanueva, handang mag-resign!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
PDEA chief Villanueva, handang mag-resign!
Ang pahayag ay ginawa ni Villanueva matapos lumitaw sa mga ulat na mga PDEA agents ang nagbenta ng ­ilegal na droga sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD)-District Special Operations Unit.
pna.gov.ph/Jigger J. Jerusalem

Kung mapapatunayang sangkot ang mga tauhan sa sell-bust

MANILA, Philippines — Handa si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Wilkins Villanueva na magbitiw sa puwesto kung magkakaroon ng ebidensiya na ang kanilang mga ahente ang nagbenta ng ilegal na droga sa mga pulis sa isang buy-bust operation na isinagawa malapit sa isang mall sa Quezon City noong nakaraang linggo.

Ang pahayag ay ginawa ni Villanueva matapos lumitaw sa mga ulat na mga PDEA agents ang nagbenta ng ­ilegal na droga sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD)-District Special Operations Unit (DSOU).

Matatandaang nagtapos ang naturang buy-bust sa misencounter sa pagitan ng PDEA at QCPD lima ang iniulat na nasawi.

Hinamon din naman ni Villanueva ang mga taong nagpapalutang ng balita na maglabas ng CCTV footage bilang ebidensiya hinggil dito.

“Magsasalita ka kung may makikita kang ebidensya na nandiyan. CCTV ang patunay. Magpalabas sila ng CCTV na nagbentahan ang PDEA at pulis. Magre-resign ako! Right now!” hamon pa ng PDEA chief.

“Magpalabas kayo ng ebidensya na CCTV na nagbenta ang PDEA at kayo ang bumili. Doon kaso na ‘yun. I will resign immediately,” hamon pa niya sa QCPD.

Una nang sinabi ni Villaneuva na ang sell-busts o ang pagkukunwaring nagbebenta ng ilegal na droga upang umaresto ng drug suspects ay ilegal.

Iginiit din muli ni Villanueva na una nang napagkasunduan na hindi maaaring pag-usapan ang kaso nang wala pang ebidensiya.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with